November 05, 2008

Saint Clare Patronage of the Sick and Poor

Saint Clare Patronage of the Sick and Poor ay nagkakawang gawa sa mga tao sa pamamagitan ng pagtulong sa mga may sakit o nangangailangan.

Dati, di ko ito gaano pinapansin dahil ang pagkakaalam ko po rito ay talagang pang may sakit na malala o nakakahawa o sa mga taon walang wala talaga sa buhay. Dumating ang pagkakataon na nagkaroon po ako ng lumbar injury. Marami na rin akong mga doktor na pinuntahan at rehab na nasubukan. Kinausap ako minsan ng aking biyenan na subukan ko raw puntahan ang Saint Clare Patronage of the Sick and Poor sa Beata, Pandacan, Manila. Sabi ko naman ay may pangbayad pa naman ako sa mga doktor at di pa naman ako naghihirap. Sagot naman sa akin ng aking biyenan eh di naman purkit tumutulong sila sa mga mahihirap eh di ka na pwedeng pumunta duon. Pagkaraan ng ilang araw ay naisipan ko na lang puntahan ang lugar na ito. Di ko rin alam kung bakit ba pero parang may humatak sa akin ng kung anong pwersa sa lugar na iyon.



Ang lugar nila e di mo talaga aakalaing pagamutan dahil ang bakod nila ay napakataas at may dalawang gate lang sila na pang sasakyan at pang-tao. Pagpasok ko po sa loob ng gate ay parang nagulat pa ako. Dahil kakaiba pala ang itsura ng loob nito, parang nasa ibang lugar ako napadpad. Malaki ang lugar at may lumang bahay pa na malaki na animoy mansion nuong panahon ng kastila. habang binabaybay ko po ang sementong daan papuntang klinika nila ay napansin ko rang mga punong malalaki na sa kalkula ay higit pang matanda sa mga magulang ko. Namataan ko rin ang kanilang pagawaan ng kandila at peanut butter sa bandang kaliwa. Pagpasok ko po mismo sa kanilang klinika ay may mga babaeng nakaupo sa knailang mga sariling lamesa at upuan. Binati nila ako ng kanilang mga ngiti at tnanong ako kung ako ay magpapagamot. Sagot ko naman sa kanila ay "opo". May lumapit sa aking isang babae at nagpakilala siyang si Jane. Bagoi ka pala gamutin ay kailangang ma-interview ka muna nila para sa kanilang magiging record mo mismo sa kanilang klinika. Sinabi ko ang mga history ng aking mga disgrasya sa katawan o mga bale ng mga buto at iba. Pagkatapos nuon ay tinanong kung ano ang aking dinadaing at kung ano ang ipagagamot ko sa kanila. Binanggit ko na sumasakit ang aking lumbar area. Pagkatapos ng ilang oras sa paguusap namin ay kinuhanan ako ng blood pressure at timbang. Pagkatapos po nun ay ipinasa ako sa isang matandang babae sa unahan ng kanilang mga lamesa.

Isang magandang ngiti na naman ang bati sa akin ng matandang babae at nagpakilala siya bilang si Sister Gloria Coquia na isang madre ng Franciscan Missionaries of Mary. Si Sister Gloria pala ang namumuno sa kanila. Habang kinakausap ako ni Sister Gloria ay napansin ko ang mga plake nito na nakasabit sa kanilang dingding. Isa pala siyang registered nurse at accupuncturist.

Tama po ang nabasa niyo, accupuncturist po siya. Ang Saint Clare ay gumagamit ng makalumang tradisyon ng panggagamot at isa rin dito ay ang hilot o accupressure. napansin ko rina ang mga langis nila na galing pang Davao na gawa rin ng ibang madre na andun. Pati ang mga herbal capsules nila ay gawa rin yata ng ibang madre at napakasimple ng mga packaging.

Ng matapos ang aming usapin ni Sister Gloria ay pinapasok na ako sa kanilang silid ng klinika. May kadiliman ang lugar at may tabing na mga kurtina lamang kada kama. Tinanong ko si jane kung bakit medyo madilim sa silid na iyon at ang sagot sa akin ay "para makapg-relax ka ng husto dahil ang paggagamot ng accupuncture ay nakaka-antok o relax talaga....". Sa aking paghiga sa kama ay pinagpalit ako ni Jane ng pang-itaas na damit na paragn "scrub suit" ng mga taga-ospital. Pinaliwanag sa akin ni jane kung saang parte ng katawan ako tutusukan nito at tapos ay sinindihan ang isang ilaw sa may ulunan ng kama ko at sinimulan ng itusok ang mga karayom.

Akala ko eh masakit ang pagtusok ng karayom sa aking katawan pero laking gulat ko na hindi pala. Kada tusok ng karayom sa aking katawan ay parang bumibigat ito at ang pakiramdam ko ay unti-unti akong inaantok. Nang maitusok na ang ika-dalawangput limang karayom sa katawan ko ay tinakpan niyan ng tela ang aking mata at sabing "matulog ka muna dahil aabutin ng apatnapung minuto ang aking pagkahiga ruon..." at sabay patay sa ilaw.

Parang kinakabahan ako nung una pero ng matusukan na ako ay animoy bumigat lahat ng kabuoang katawan ko. Ang isip ko ay kumalma at ang katawan ay parang nagpahinga ng kusa. Kakaibang karanasan ito para sa akin. Napakapayapa ng lahat ng oras na iyon. Di ko na namamalayan ang oras ng biglang may nag kiriring sa aking uluhan. May timer pala sila sa orasan ng aking pagkakahiga at ibig sabihin nun po ay tapos na ang apatnapung minutong pagkakatsuok ng karayaom sa akin. Lumapit si Jane sa akin at sabing "nakatulog ka ba?". Ang sabi ko naman ay "opo". isa-isa niyang tinanggal ang mga karayom sa katawan ko at uni-unti rin na naigagalw ko na ng tama ang mga bisig at mga binti na animoy nakahinga.

Pagkatapos kong magpalit ng pang itaas ay lumabas na ako ng silid at pumunta sa lamesa ni Sister Gloria. Tinanong ko kung magkano pala ang aking babayaran sa kanila. Sabi ni Sister Gloria na sampung piso lang daw kada isang karayom na nagamit ko sa aking katawan at iyon rin naman ang gagamitin pagbalik ko ulit. dagdag kong tanong kay Sister Gloria ay kung may proffesional fee sila. Sagot ni naman ni Sister Gloria ay wala pero pwede ako magbigay ng donasyon kung gusto ko o kung bukal sa akin. Naglagay ako ng pera sa kanilang donation box at nagtaka ako ng sabihin sa akin na pirmahan ko raw ung index card nila kung magkano raw ang aking naimbag sa kanila. Nagtanong ako kung bakit kailangan ko pang lumagda at ang sagot ni Sister Gloria ay "sa mga donasyon namin kinukuha ang aming pangkain, pambayad sa kuryente at tubig o iba pang gastos sa kanilang bahay o klinika......", bigla siyang napatigil at lumuingkot ang mga mata. Tinanong ko kung bakit at ang kuwento niya sa akin ay ninanakawan pa pala sila at minsan ay yaong donation box pa mismo ang kinukuhanan ng pera ng mga lintek na nagpapanggap na nagpapagamot. Nakakaawa ang kanilang kalagayan kung iyong iisipin. Sila na nga ang tumutulong sa kapwa ay sila pa ang ninanakawan.

Nagtanong tanong ako ulit ukol sa kanilang lugar at tradisyunal na panggagamot. Nailarawan sa akin ni Sister Gloria na matagal na pala siya sa Pandacan at sa maniwala kayo sa hinde ay andun na siya nuong World War 2. Sa Pandacan siya idinistino para tumulong sa paggagamot ng mga nasaktan at nasugatan sa giyera. Kaya pala ang lugar ng Saint Clare ay kakaiba, na preserba pala nila ang lumang establisiyemento nila nuon pang giyera. Makalumang tirahan na animoy mansion. Anim pala silang madre na naroon at ung mansion na sinasabi ko ay bigay pala sa kanila un at un rin ang ginawa nilang parang kumbento ng mga madre. nabanggit rin ni Sister Coquia sa akin na nuon ay dumadayo rin siya sa Sta. Mesa at sa iba pang karatig pook ng Pandacan. Nabanggit rin niya na ang pinakamahirap gamutin sa lahat ay ang sariling saloobin ng tao, dahil nuong panahon ng giyera, maraming mahal sa buhay ang namatayan at ang iba ay sa harap pa nila naganap iyon. Pero nanatiling matibay ang mga madre ng Franciscan para sa mga taong tinutulungan nila.

Marami na silang natulungan at tinutulungan pa sa ngayon. At sa tingin ko po ay kailngan rin nila ng tulong mula sa atin. Kailangan rin nila ng pera sa pananatili ng kanilang establisiyemento at pangbayad sa kuryente at tubig na ginagamit nila.

Kung gusto mong magpagamot o magbigay ng tulong sa kanila ay puntahan sila sa kanilang address na ito:

Saint Clare Patronage for the Sick & Poor
Franciscan Missionaries of Mary
# 2499 Beata Street, Pandacan, Manila
Telephone #: 563-3070

Accupunture & Therapeutic Massage - Tuesdays & Saturdays 7:30am-11:30am
for home service of their Therapeutic Massage just call 563-3070 for appointment
Dental - Sundays 8:00am-12:00noon
mula sa kaliwa:
Rebecca Buenaventura, Mila Rapiz, Minda Pineda, Sister Gloria Coquia, Jane Regalado, Fannie Mastrile at Cristina Tejano

Mang Rudy Cacdac - Accupressure Specialist
Ginang Luz Ragay - Accupressure Specialist


** you could also find this story at pandacan1011.com
** thanks to: Kiko, Andres, Miyong, JayZ of pandacan1011.com

November 03, 2008

Trauma ni Yzzy

Ang panganay kong anak na babae na si Yzzy, maraming gustong gawin at tuklasin. Biba eka nga. Kaya nagkasundo kaming mag-asawa na ipasok na siya sa school kahit 3 years old pa lang.



Bago pala namin siya ipasok sa Manila Day Care Center sa Beata, nagsimula siyang mag-aral sa isang private school ng nursery. Nuong umpisa eh maganda naman ang turo ng guro at maayos makitungo sa mga bata dahil ako mismo ay andun para makita ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo. Pero ng lumaon,ito'y parang ningas kugon lamang, at marami akong naririnig na balitang nananakit raw itong guro na ito. Dati raw ay may pinakain itong siling labuyo sa kanyang estudiyante dati. Kayo nga ang magsabi sa akin kung tama ito o mali ang ginawa nitong guro?! Kahit bata ang may sala, di dapat sila bigyan ng malulupit na parusa o pangaral. Hindi pa rin talaga nauunawan ng mga bata kung bakit nila nagawa o ginawa iyon. Nakakalungkot isipin na guro pa mismo ang may gawa nito.

Bago ako magdesisyon na ilipat ang aking anak sa nasabing Daycare, sinabi sa akin ng misis ko na pinapalo pala ang anak ko ng chinelas sa binti dahil ito raw ay matanong at madaldal. Humingi ako ng isang araw na vacation leave sa opisina para ako sana mismo ang makakita ng mga ganitong pangyayari. Ako mismo ang naghatid sa aking anak sa kanyang eskuwelahan. Sa awa ng Diyos eh di naman siya napalo pero napansin kong pabalbal siya sumagot di lang sa aking anak kundi pati rin sa ibang mga bata. Nakita kong nagtatanong ang aking anak sa kanyang guro para humingi ng tulong dail nalilito siya sa kanyang seat work. Eto po ang sabi ng aking anak: Yzzy - "teacher, di ko po alam ito, turuan mo naman ako." Hindi ba't maayos na pananalita naman ang nagamit ng bata? Eto naman ang sagot ng guro: "Umupo kang bata ka, masyado kang matanong..." ano sa opinyon niyo??

Kaya pala minsan, pag-uwi galing trabaho eh tinatanong ko ang aking anak kung ano ang mga nagawa niya sa kanyang eskuwelahan, sagot ba naman sa akin eh "di naman po ako tinuturuan ni teacher eh...".

Kakaiba di ba? kaya't nagdesisyon na ko na ilipat na lang kahit saang eskuwelahan na tatanggap sa anaka ko. Mahirap 'yung ganun. Natatakot na rin kasi pumasok ang anak ko at di na siya nagtatanong sa mga matatanda dahil ang alam niya ay pagagalitan daw siya. Trauma inabot ng anak ko sa lintek na guro na 'yun.

Salamat naman at nailipat na namin ang aming anak at may tumanggap sa kanyang paglipat sa school nila. Di nga siya pribado pero kahit public school eh nakita ko namang masaya ang aking anak at di lang 'yon, hanga sa kanyang talino at biba ang kanyang guro.

Nakita ko ring magturo ang kanyang guro sa Manila Day Care Center. Mas maayos kesa dun sa private school na una ng pinanggalingan ng anak ko. At malaki ang improvement ng anak ko sa pagtuturo niya. Matataas na marka at self confidence ang nadagdag sa kanya.

Kanina, ipinakita ng anak ko ang kanyang exam results, out of 156 eh 142 ang tama niya. Hindi ba't maganda ang resulta?!



About sa self confidence ng bata, siya ang napiling mag intermission number sa kanilang United Nation's Parade. Kumanta si Yzzy sa entblado pagkatapos ng parade nila. Inawit niya ang "Over the Rainbow".

Regarding sa guro na nasabi ko kanina, may nagreklamo na pala uling mga magulang sa pananakit niya sa mga estudiyante niya. Pulis pa ang mga magulang. Hehe, karma na nga lang sa kanya 'yon. Basta ang anak ko, ok na sa status niya sa daycare.

November 02, 2008

MMORPG (Massively Multiplayer Online Role-Playing Game)

Kapag walang magawa sa bahay o opisina at nakatutok maghapon sa computer, ano pwedeng gawin bukod sa chat? Games! Yan ang trabaho o ginagawa ko maghapon, hehehe.

Marami na rin akong nakilalang mga Online Gamers, kaso di pa kami nagkikita ng personal pwera lng sa Hitman's Life. May tatlong kaibigan kasi akong sumali ruon.



Maraming klaseng mga MMORPG, may Free at ang iba e may bayad. Pero ang mga free MMORPG ay pwede rin magbayad para lumakas ang player mo. Di lahat ng game na MMORPG ay pare-parehas ng diskarte, dipende rin kasi sa makakasalamuha mong player rin. May mga "Gang" or "Group" silang itinatayo, kapag ikaw ay sumali sa isang grupo ay pwedeng mapabilis an iyong pag level-up. Meron namang mga player(s) na kapag baguhan ka sa laro nila eh ikaw ang magiging balagoong hanggang di ka lumalakas o sumasali sa ibang grupo.

Kaso minsan, di ko na namamalayan ang oras kapag naglalaro ako nito. Nakakalibang rin kasi.

Eto pala ang mga nasalihan ko na:

Bite Fight - Server 8
CyberDunk
Hitman's Life - Server 1
Hitman's Life - Server 2
Prison Struggle

kung naglalaro ka rin ng ganyan at isa sa mga link ko e andun ka rin, drop me a msg, maybe we can be an ally. and this is an additional to jimi's life, my life!

October 31, 2008

Tattooed by Joe!

Ako, si erpats, si utol Jopay at Sisteret Juilet ay nagpa-tattoo kay Joe Saliendra.
Una, eh ako lang ang dapat ang magpapa-tattoo, nalaman na lang nila erpats at nila utol na magpapa-tattoo ako kay Joe. Kaya sumama rin sila sa akin sa BF Homes para sabay sabay na rin kaming magpadutdot. Si Joe Salienrdra pala ang considered most awarded tattoo artist in the Philippines, san ka pa, eh di kay Joe ka na!



Sa aking utol eh isang parang bulaklak sa kanyang balikat.

Sa aking kapatid na babae naman eh isang koi fish sa kanyang binti.

Sa aking ama ay isang tigre sa kaliwang braso.

At ang disenyo ng sa akin ay arm band tattoo na may alibata ng aking apilyido at bul-ol o anito. Di pa tapos ang aking disenyo kaya abangan ang kabuuang tattoo nito.

Nakakatuwa kasing isipin kung bakit namin ito napagtripan naming pamilya pero masarap rin kasi ang feeling dahil buong pamilya eh sabay-sabay nagpaburda ng tinta sa balat.
Ang ibang pamilya kasi, ang ginagawa ng karamihan eh sabay silang nanonood ng sine, namamasyal, kumakain at iba pang family affair. Pero kami, ibang klase talaga, kahit si Joe e nagulat dahil first time niyang nag-tattoo ng isang pamilya.

Kakaiba nga pero masaya!

Sa mga gustong makita pa ang ibang gawa ni Joe, puntahan ang link na ito : http://www.tattooatjoe.com/

October 30, 2008

Lower Back Injury

It's been four years since I felt pain again.
It's been four years since I go to my doctor.

Man oh man, my lower back pain is hitting me like Manny Pacquiao punching at my lower back down to my foot.

I tried different things like acupuncture, massage, chiropractor and even a physical therapist rehab. Non of them work at my expectation. Well, all of them gave me a relief for a while but damn!!! Double Damn! It really hurts like hell.

Anyway, next week I have a schedule for an MRI. I hope that this thing don't kill me or stop me from doing what I always do....

Living my life! That is........