November 05, 2008

Saint Clare Patronage of the Sick and Poor

Saint Clare Patronage of the Sick and Poor ay nagkakawang gawa sa mga tao sa pamamagitan ng pagtulong sa mga may sakit o nangangailangan.

Dati, di ko ito gaano pinapansin dahil ang pagkakaalam ko po rito ay talagang pang may sakit na malala o nakakahawa o sa mga taon walang wala talaga sa buhay. Dumating ang pagkakataon na nagkaroon po ako ng lumbar injury. Marami na rin akong mga doktor na pinuntahan at rehab na nasubukan. Kinausap ako minsan ng aking biyenan na subukan ko raw puntahan ang Saint Clare Patronage of the Sick and Poor sa Beata, Pandacan, Manila. Sabi ko naman ay may pangbayad pa naman ako sa mga doktor at di pa naman ako naghihirap. Sagot naman sa akin ng aking biyenan eh di naman purkit tumutulong sila sa mga mahihirap eh di ka na pwedeng pumunta duon. Pagkaraan ng ilang araw ay naisipan ko na lang puntahan ang lugar na ito. Di ko rin alam kung bakit ba pero parang may humatak sa akin ng kung anong pwersa sa lugar na iyon.



Ang lugar nila e di mo talaga aakalaing pagamutan dahil ang bakod nila ay napakataas at may dalawang gate lang sila na pang sasakyan at pang-tao. Pagpasok ko po sa loob ng gate ay parang nagulat pa ako. Dahil kakaiba pala ang itsura ng loob nito, parang nasa ibang lugar ako napadpad. Malaki ang lugar at may lumang bahay pa na malaki na animoy mansion nuong panahon ng kastila. habang binabaybay ko po ang sementong daan papuntang klinika nila ay napansin ko rang mga punong malalaki na sa kalkula ay higit pang matanda sa mga magulang ko. Namataan ko rin ang kanilang pagawaan ng kandila at peanut butter sa bandang kaliwa. Pagpasok ko po mismo sa kanilang klinika ay may mga babaeng nakaupo sa knailang mga sariling lamesa at upuan. Binati nila ako ng kanilang mga ngiti at tnanong ako kung ako ay magpapagamot. Sagot ko naman sa kanila ay "opo". May lumapit sa aking isang babae at nagpakilala siyang si Jane. Bagoi ka pala gamutin ay kailangang ma-interview ka muna nila para sa kanilang magiging record mo mismo sa kanilang klinika. Sinabi ko ang mga history ng aking mga disgrasya sa katawan o mga bale ng mga buto at iba. Pagkatapos nuon ay tinanong kung ano ang aking dinadaing at kung ano ang ipagagamot ko sa kanila. Binanggit ko na sumasakit ang aking lumbar area. Pagkatapos ng ilang oras sa paguusap namin ay kinuhanan ako ng blood pressure at timbang. Pagkatapos po nun ay ipinasa ako sa isang matandang babae sa unahan ng kanilang mga lamesa.

Isang magandang ngiti na naman ang bati sa akin ng matandang babae at nagpakilala siya bilang si Sister Gloria Coquia na isang madre ng Franciscan Missionaries of Mary. Si Sister Gloria pala ang namumuno sa kanila. Habang kinakausap ako ni Sister Gloria ay napansin ko ang mga plake nito na nakasabit sa kanilang dingding. Isa pala siyang registered nurse at accupuncturist.

Tama po ang nabasa niyo, accupuncturist po siya. Ang Saint Clare ay gumagamit ng makalumang tradisyon ng panggagamot at isa rin dito ay ang hilot o accupressure. napansin ko rina ang mga langis nila na galing pang Davao na gawa rin ng ibang madre na andun. Pati ang mga herbal capsules nila ay gawa rin yata ng ibang madre at napakasimple ng mga packaging.

Ng matapos ang aming usapin ni Sister Gloria ay pinapasok na ako sa kanilang silid ng klinika. May kadiliman ang lugar at may tabing na mga kurtina lamang kada kama. Tinanong ko si jane kung bakit medyo madilim sa silid na iyon at ang sagot sa akin ay "para makapg-relax ka ng husto dahil ang paggagamot ng accupuncture ay nakaka-antok o relax talaga....". Sa aking paghiga sa kama ay pinagpalit ako ni Jane ng pang-itaas na damit na paragn "scrub suit" ng mga taga-ospital. Pinaliwanag sa akin ni jane kung saang parte ng katawan ako tutusukan nito at tapos ay sinindihan ang isang ilaw sa may ulunan ng kama ko at sinimulan ng itusok ang mga karayom.

Akala ko eh masakit ang pagtusok ng karayom sa aking katawan pero laking gulat ko na hindi pala. Kada tusok ng karayom sa aking katawan ay parang bumibigat ito at ang pakiramdam ko ay unti-unti akong inaantok. Nang maitusok na ang ika-dalawangput limang karayom sa katawan ko ay tinakpan niyan ng tela ang aking mata at sabing "matulog ka muna dahil aabutin ng apatnapung minuto ang aking pagkahiga ruon..." at sabay patay sa ilaw.

Parang kinakabahan ako nung una pero ng matusukan na ako ay animoy bumigat lahat ng kabuoang katawan ko. Ang isip ko ay kumalma at ang katawan ay parang nagpahinga ng kusa. Kakaibang karanasan ito para sa akin. Napakapayapa ng lahat ng oras na iyon. Di ko na namamalayan ang oras ng biglang may nag kiriring sa aking uluhan. May timer pala sila sa orasan ng aking pagkakahiga at ibig sabihin nun po ay tapos na ang apatnapung minutong pagkakatsuok ng karayaom sa akin. Lumapit si Jane sa akin at sabing "nakatulog ka ba?". Ang sabi ko naman ay "opo". isa-isa niyang tinanggal ang mga karayom sa katawan ko at uni-unti rin na naigagalw ko na ng tama ang mga bisig at mga binti na animoy nakahinga.

Pagkatapos kong magpalit ng pang itaas ay lumabas na ako ng silid at pumunta sa lamesa ni Sister Gloria. Tinanong ko kung magkano pala ang aking babayaran sa kanila. Sabi ni Sister Gloria na sampung piso lang daw kada isang karayom na nagamit ko sa aking katawan at iyon rin naman ang gagamitin pagbalik ko ulit. dagdag kong tanong kay Sister Gloria ay kung may proffesional fee sila. Sagot ni naman ni Sister Gloria ay wala pero pwede ako magbigay ng donasyon kung gusto ko o kung bukal sa akin. Naglagay ako ng pera sa kanilang donation box at nagtaka ako ng sabihin sa akin na pirmahan ko raw ung index card nila kung magkano raw ang aking naimbag sa kanila. Nagtanong ako kung bakit kailangan ko pang lumagda at ang sagot ni Sister Gloria ay "sa mga donasyon namin kinukuha ang aming pangkain, pambayad sa kuryente at tubig o iba pang gastos sa kanilang bahay o klinika......", bigla siyang napatigil at lumuingkot ang mga mata. Tinanong ko kung bakit at ang kuwento niya sa akin ay ninanakawan pa pala sila at minsan ay yaong donation box pa mismo ang kinukuhanan ng pera ng mga lintek na nagpapanggap na nagpapagamot. Nakakaawa ang kanilang kalagayan kung iyong iisipin. Sila na nga ang tumutulong sa kapwa ay sila pa ang ninanakawan.

Nagtanong tanong ako ulit ukol sa kanilang lugar at tradisyunal na panggagamot. Nailarawan sa akin ni Sister Gloria na matagal na pala siya sa Pandacan at sa maniwala kayo sa hinde ay andun na siya nuong World War 2. Sa Pandacan siya idinistino para tumulong sa paggagamot ng mga nasaktan at nasugatan sa giyera. Kaya pala ang lugar ng Saint Clare ay kakaiba, na preserba pala nila ang lumang establisiyemento nila nuon pang giyera. Makalumang tirahan na animoy mansion. Anim pala silang madre na naroon at ung mansion na sinasabi ko ay bigay pala sa kanila un at un rin ang ginawa nilang parang kumbento ng mga madre. nabanggit rin ni Sister Coquia sa akin na nuon ay dumadayo rin siya sa Sta. Mesa at sa iba pang karatig pook ng Pandacan. Nabanggit rin niya na ang pinakamahirap gamutin sa lahat ay ang sariling saloobin ng tao, dahil nuong panahon ng giyera, maraming mahal sa buhay ang namatayan at ang iba ay sa harap pa nila naganap iyon. Pero nanatiling matibay ang mga madre ng Franciscan para sa mga taong tinutulungan nila.

Marami na silang natulungan at tinutulungan pa sa ngayon. At sa tingin ko po ay kailngan rin nila ng tulong mula sa atin. Kailangan rin nila ng pera sa pananatili ng kanilang establisiyemento at pangbayad sa kuryente at tubig na ginagamit nila.

Kung gusto mong magpagamot o magbigay ng tulong sa kanila ay puntahan sila sa kanilang address na ito:

Saint Clare Patronage for the Sick & Poor
Franciscan Missionaries of Mary
# 2499 Beata Street, Pandacan, Manila
Telephone #: 563-3070

Accupunture & Therapeutic Massage - Tuesdays & Saturdays 7:30am-11:30am
for home service of their Therapeutic Massage just call 563-3070 for appointment
Dental - Sundays 8:00am-12:00noon
mula sa kaliwa:
Rebecca Buenaventura, Mila Rapiz, Minda Pineda, Sister Gloria Coquia, Jane Regalado, Fannie Mastrile at Cristina Tejano

Mang Rudy Cacdac - Accupressure Specialist
Ginang Luz Ragay - Accupressure Specialist


** you could also find this story at pandacan1011.com
** thanks to: Kiko, Andres, Miyong, JayZ of pandacan1011.com

No comments:

Post a Comment