November 03, 2008

Trauma ni Yzzy

Ang panganay kong anak na babae na si Yzzy, maraming gustong gawin at tuklasin. Biba eka nga. Kaya nagkasundo kaming mag-asawa na ipasok na siya sa school kahit 3 years old pa lang.



Bago pala namin siya ipasok sa Manila Day Care Center sa Beata, nagsimula siyang mag-aral sa isang private school ng nursery. Nuong umpisa eh maganda naman ang turo ng guro at maayos makitungo sa mga bata dahil ako mismo ay andun para makita ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo. Pero ng lumaon,ito'y parang ningas kugon lamang, at marami akong naririnig na balitang nananakit raw itong guro na ito. Dati raw ay may pinakain itong siling labuyo sa kanyang estudiyante dati. Kayo nga ang magsabi sa akin kung tama ito o mali ang ginawa nitong guro?! Kahit bata ang may sala, di dapat sila bigyan ng malulupit na parusa o pangaral. Hindi pa rin talaga nauunawan ng mga bata kung bakit nila nagawa o ginawa iyon. Nakakalungkot isipin na guro pa mismo ang may gawa nito.

Bago ako magdesisyon na ilipat ang aking anak sa nasabing Daycare, sinabi sa akin ng misis ko na pinapalo pala ang anak ko ng chinelas sa binti dahil ito raw ay matanong at madaldal. Humingi ako ng isang araw na vacation leave sa opisina para ako sana mismo ang makakita ng mga ganitong pangyayari. Ako mismo ang naghatid sa aking anak sa kanyang eskuwelahan. Sa awa ng Diyos eh di naman siya napalo pero napansin kong pabalbal siya sumagot di lang sa aking anak kundi pati rin sa ibang mga bata. Nakita kong nagtatanong ang aking anak sa kanyang guro para humingi ng tulong dail nalilito siya sa kanyang seat work. Eto po ang sabi ng aking anak: Yzzy - "teacher, di ko po alam ito, turuan mo naman ako." Hindi ba't maayos na pananalita naman ang nagamit ng bata? Eto naman ang sagot ng guro: "Umupo kang bata ka, masyado kang matanong..." ano sa opinyon niyo??

Kaya pala minsan, pag-uwi galing trabaho eh tinatanong ko ang aking anak kung ano ang mga nagawa niya sa kanyang eskuwelahan, sagot ba naman sa akin eh "di naman po ako tinuturuan ni teacher eh...".

Kakaiba di ba? kaya't nagdesisyon na ko na ilipat na lang kahit saang eskuwelahan na tatanggap sa anaka ko. Mahirap 'yung ganun. Natatakot na rin kasi pumasok ang anak ko at di na siya nagtatanong sa mga matatanda dahil ang alam niya ay pagagalitan daw siya. Trauma inabot ng anak ko sa lintek na guro na 'yun.

Salamat naman at nailipat na namin ang aming anak at may tumanggap sa kanyang paglipat sa school nila. Di nga siya pribado pero kahit public school eh nakita ko namang masaya ang aking anak at di lang 'yon, hanga sa kanyang talino at biba ang kanyang guro.

Nakita ko ring magturo ang kanyang guro sa Manila Day Care Center. Mas maayos kesa dun sa private school na una ng pinanggalingan ng anak ko. At malaki ang improvement ng anak ko sa pagtuturo niya. Matataas na marka at self confidence ang nadagdag sa kanya.

Kanina, ipinakita ng anak ko ang kanyang exam results, out of 156 eh 142 ang tama niya. Hindi ba't maganda ang resulta?!



About sa self confidence ng bata, siya ang napiling mag intermission number sa kanilang United Nation's Parade. Kumanta si Yzzy sa entblado pagkatapos ng parade nila. Inawit niya ang "Over the Rainbow".

Regarding sa guro na nasabi ko kanina, may nagreklamo na pala uling mga magulang sa pananakit niya sa mga estudiyante niya. Pulis pa ang mga magulang. Hehe, karma na nga lang sa kanya 'yon. Basta ang anak ko, ok na sa status niya sa daycare.

2 comments:

  1. Yun pala ang kwento ng anak mo James. Mas mabuti nga at sa MDCC sya nakapag enroll ngayon. Malupit pala ang dati nyang teacher. Si Teacher Ver naman ay super bait. Magaling palang kumanta ang anak mo.

    Noong bumibisita ako sa Pandacan1011 noon, hindi ko akalain na schoolmate pala ni Sean ang anak mo, ang liit pala talaga ng mundo haha! At ang nakakatawa pa, kanina kausap ko si Ate Susan at nabanggit nga nya si Ysabella na apo nya raw yung kumanta sa program ng UN.

    Salamat pala sa link. Ili-link din kita. :)

    ReplyDelete
  2. walang anuman Amor. Buti nga talaga at nailipat ko na si Yzzy kundi mapapaaway talaga ako.
    Temperemental pa naman ako, kaya hanggat maaari eh ayaw ko nang makita ung former teacher niya eh.
    baka ano pa kasi ang masabi ko.

    about sa link eh maliit na bagay lang iyon.

    have a nice weekend!

    ReplyDelete