Kapag walang magawa sa bahay o opisina at nakatutok maghapon sa computer, ano pwedeng gawin bukod sa chat? Games! Yan ang trabaho o ginagawa ko maghapon, hehehe.
Marami na rin akong nakilalang mga Online Gamers, kaso di pa kami nagkikita ng personal pwera lng sa Hitman's Life. May tatlong kaibigan kasi akong sumali ruon.
Maraming klaseng mga MMORPG, may Free at ang iba e may bayad. Pero ang mga free MMORPG ay pwede rin magbayad para lumakas ang player mo. Di lahat ng game na MMORPG ay pare-parehas ng diskarte, dipende rin kasi sa makakasalamuha mong player rin. May mga "Gang" or "Group" silang itinatayo, kapag ikaw ay sumali sa isang grupo ay pwedeng mapabilis an iyong pag level-up. Meron namang mga player(s) na kapag baguhan ka sa laro nila eh ikaw ang magiging balagoong hanggang di ka lumalakas o sumasali sa ibang grupo.
Kaso minsan, di ko na namamalayan ang oras kapag naglalaro ako nito. Nakakalibang rin kasi.
Eto pala ang mga nasalihan ko na:
Bite Fight - Server 8
CyberDunk
Hitman's Life - Server 1
Hitman's Life - Server 2
Prison Struggle
kung naglalaro ka rin ng ganyan at isa sa mga link ko e andun ka rin, drop me a msg, maybe we can be an ally. and this is an additional to jimi's life, my life!
No comments:
Post a Comment