October 31, 2008

Tattooed by Joe!

Ako, si erpats, si utol Jopay at Sisteret Juilet ay nagpa-tattoo kay Joe Saliendra.
Una, eh ako lang ang dapat ang magpapa-tattoo, nalaman na lang nila erpats at nila utol na magpapa-tattoo ako kay Joe. Kaya sumama rin sila sa akin sa BF Homes para sabay sabay na rin kaming magpadutdot. Si Joe Salienrdra pala ang considered most awarded tattoo artist in the Philippines, san ka pa, eh di kay Joe ka na!



Sa aking utol eh isang parang bulaklak sa kanyang balikat.

Sa aking kapatid na babae naman eh isang koi fish sa kanyang binti.

Sa aking ama ay isang tigre sa kaliwang braso.

At ang disenyo ng sa akin ay arm band tattoo na may alibata ng aking apilyido at bul-ol o anito. Di pa tapos ang aking disenyo kaya abangan ang kabuuang tattoo nito.

Nakakatuwa kasing isipin kung bakit namin ito napagtripan naming pamilya pero masarap rin kasi ang feeling dahil buong pamilya eh sabay-sabay nagpaburda ng tinta sa balat.
Ang ibang pamilya kasi, ang ginagawa ng karamihan eh sabay silang nanonood ng sine, namamasyal, kumakain at iba pang family affair. Pero kami, ibang klase talaga, kahit si Joe e nagulat dahil first time niyang nag-tattoo ng isang pamilya.

Kakaiba nga pero masaya!

Sa mga gustong makita pa ang ibang gawa ni Joe, puntahan ang link na ito : http://www.tattooatjoe.com/

2 comments:

  1. this is cool bro.

    many of us have dreamed of having our loved ones enjoy or share the things we love doing, but this one is just extraordinary. this is not to say that tattooing is bad, but that this is just the first time i have learned of a family trooped to a tattoo artist for a session.

    extraordinarily cool!

    ReplyDelete
  2. thanks for the comment bro...
    many people do really wonder why on earth we as family go to a tattoo shop and get our skin inked...
    well, let's just say, we do have our own way to play, laugh, celebrate and other family affairs.
    it just happens that we feel that this kind of bonding will add more spice, story and tradition to us.

    ReplyDelete